Verse 1:
Ngayon ay aahon, at kakalimutan ang nakaraan
Dilim ng kahapon, isasantabi na at wawakasan

Pre-Chorus:
Pagkat ang liwanag ng pag-ibig Mo
Ay ilaw, gabay sa pagbabalik ko

Chorus:
Aawitin ang Iyong katapatan at kadakilaan
Sasayaw sa saliw ng lawak ng Iyong pagmamahal
Lulundag sa lalim ng kabutihan ng Iyong hangarin
O ang lahat ng Iyong mga anak magbabalik sa'Yo, Ama

Verse 2:
Ipagdiriwang, at ihahayag ang kalayaan
'Di papaalipin, hindi na muling magpapabihag

Pre-Chorus:
At sa bawat sulok ng buong mundo
Ihahayag tanging Pangalan mo

Chorus:
Aawitin ang Iyong katapatan at kadakilaan
Sasayaw sa saliw ng lawak ng Iyong pagmamahal
Lulundag sa lalim ng kabutihan ng Iyong hangarin
O ang lahat ng Iyong mga anak magbabalik sa'Yo, Ama

Interlude

Bridge:
Ama, walang katulad, ang pangako at pag ibig na alay
Hesus, Ikaw ang Daan, tanging Katotohanan at Buhay

Lahat ay magagalak

Interlude

Chorus:
Aawitin ang Iyong katapatan at kadakilaan
Sasayaw sa saliw ng lawak ng Iyong pagmamahal
Lulundag sa lalim ng kabutihan ng Iyong hangarin
O ang lahat ng Iyong mga anak magbabalik sa'Yo, Ama
Magbabalik sa'Yo, Ama
Magbabalik sa'Yo, Ama
Magbabalik sa'Yo, Ama
Magbabalik sa'Yo, Ama

Song by Victory Worship

Writers: Shy Morante, Joahnna Tubalinal and Caleb Vargas